Monday, November 29, 2010

The Digital Bling-bling

Few months ago, I posted a blog about a camera Ive been dreaming to buy. Well, I finally have the thing I called "digital bling-bling". After endless prayers and sleepless nights, I was able to buy a Nikon D5k, more than what I prayed and planned for. I cant thank God enough for this blessing.

In return, because I have used all of my money for this bling-bling, I am broke now. I dont have new clothes or shoes or bed but its all worth it.

Wednesday, November 3, 2010

Tiis

Dahil kapwa natin tinitiis ang bawat isa
Hahayaan kong tumingin ka sa iba
at magkunwaring ikaw ay masaya
dahil alam kong sa likod ng iyong bawat ngiti
ako pa rin ang nanaisin mong katabi
sa bawat daraang gabi

At habang dinadama ko ang bawat sandali
hayaan mo rin akong magduyan
sa init ng kanyang mga labi
subalit sa iyong isip wag iwawaglit
na ako sa iyo ay muling babalik
kapag hindi na kayang tiisin
ang aking pananabik

Hahayaan ko rin madama mo
ang kinis at bango ng kanyang balat
habang pinagmamasdan ko
ang bakas ng ginawa mong sugat

Isang mahabang pagtitiis
ang makita kang nasa kanyang piling
kahit paulit ulit mong sinabing
ang iyong pagmamahal
ay hindi sa kanya mababaling
(itutuloy)

Friday, October 29, 2010

kwik updeyts

Nakakamiss. Nagkahigpitan sa office kaya hindi ko nabibisita ang blog ko. Pagdating ko naman sa umaga sa bahay, pagod na at lahat ng idea na naisip ko kinagabihan ay lumipas na. Nakakapanghinayang ang mga araw na dumadaan na sana'y marami na akong natapos isulat, pero ganunpaman, ano nga bang magagawa ko, mas importante ang trabaho ko. Tsk.

Araw-araw akong nananabik sa pagpasok ng Nobyembre. Sana matupad ang wish ko.

Nakalipat na ako ng team kaya naman sobrang tutok ako sa trabaho ng mga nakaraang linggo. kailangan kong magseryoso para hindi mapagiwanan. nakakastress lang minsan, nakakatunaw ng braincells, info overload. naglabasan sabay sabay ang mga gigantic pimples ko dahil sa stress. nakipagbalikan ako sa ex ko - si marlboro lights. Alam kong muli ko syang iiwanan sa mga darating na araw, pero sa ngayon, kailangan ko pa sya kaya kami muna ulit.

Friday, September 24, 2010

Ang traffic sa C5

Ika-23 ng Setyembre, 2010

"Dalawamput-walong taon akong nag-negosyo ng medical supplies. Mayaman ako dati, maraming pera. Kaso nag-bisyo at nagtiwala sa maling tao. Kunwari mabait, itatakbo lang pala ang pera mo. Ang bilis ubusin ng pera, ang dami kong taong natulungan noon. Maraming lumalapit sakin para mamuhunan. Nagbi-biyahe kami madalas sa mga probinsya para mag-deliver ng mga supplies. Kung naging maingat lang sana ako sa pera at naging matalino, hindi sana ganito ang buhay namin mag-asawa ngayon.

Yung narinig mong kausap ko kanina sa cellphone? Asawa ko yon, nasa nueva ecija, nagbabantay ng maliit na tindahan namin. May kailangan kaming bayaran pero wala siyang mahiraman kaya nag-aalala ako, inaatake pa naman ng kanyang rayuma. Ang hirap ng buhay talaga, pero huli na para magsisi. Milyon-milyon ang naging pera ko noon, pero tingnan mo naman ako ngayon, iilang kaibigan na lang ang natira. Yung kapatid ko sa cebu, contractor ng __, malaki ang kinita niya ng matapos ang project na yon. Siguro hanggang sa magkamatayan kami, hindi na kami magkikita non. Sobrang yaman na niya, hindi na niya ako kailangan. Tsk. Hindi kasi ako naging matalino sa pera e. Kung hindi ako nag-casino, sabong at inom-inom noon, hindi sana ako ganito ngayon. Kung kailan matanda na, saka pa walang pera. Sayang."

- Si Manong Taxi Driver, nagsisintimyento habang stress na stress ako dahil sa punyetang traffic sa c5.

Sunday, September 19, 2010

Nagkataon lang.

Minsan ba nangyari na sa iyo yung iniisip mo yung isang tao tapos bigla siyang magpaparamdam out of the blue? Ang sarap isipin na kaya nangyayari ay dahil iniisip ka rin niya. Pero hindi. Dapat hindi, you must know better. Lahat ng nangyayari ay nagkataon lang. Walang ibig sabihin at hindi mo dapat lagyan ng malisya... yan ang dapat mong isipin kung ayaw mong masaktan.

Monday, September 13, 2010

Istoker

Aaminin ko ba'ng nahulog na ako sa iyo?
Nararapat bang maging tapat
kahit alam ko naman ang isasagot mo?

Paano ba kita sinimulang suyuin ng palihim?
At naisin na kasama mo akong pinanonood
ang mahiwagang takip-silim..

Kailan nga ba ako nagtangkang
bilangin ang mga hakbang papalapit sa iyo?
at sukatin ang distansya ng ating mga puso...

Bakit malalim ang bawat paghinga
habang tinatanaw ang iyong paglakad?
Dahil nga pala -likod mo lang ang kaya kong titigan
at anino mo lang ang kaya kong hagkan...

Sasaluhin kaya ako ng iyong mga bisig
sakali mang tuluyan na akong sa iyoy umibig?
Abot kamay at abot tanaw kita
sadya nga lang mundo nati'y magkaiba.

Kulang ba ang lahat ng kaya kong ialay
para pantayan ang kanyang mga naibigay?
Siguro ay kulang nga.ng talaga.
kaya hindi na ako magtatangka pa.

Maraming akong tanong.
Alam ko rin ang lahat ng sagot.
Pero sa tuwing nakikita kita.
Natututo ang puso kong umasa.
Basta tandaan mo.
Nandito lang ako.
Matiyagang naghihintay sa'yo.


***********
Adlesirc 09.14.2010

Sakaling hindi tayo magtagpo sa ating mga panaginip - Noel Sales Barcelona

Sakali mang hindi tayo magkatagpo
Sa ating mga panagimpan
Ay huwag malumbay ang iyong puso
Sapagkat pagdating ay nabalam lamang.

Huwag isiping ikaw'y nalimutan
Dahil hindi nakasipot sa ating tagpuan
Maaaring hindi pa kapanahunan
ng ating muling pagtitipanan.

At sakaling mapalitan, panaginip na matamis
ng isang bangungot na nakahihindik --
Sa iyong paggising ay huwag gumibik
Sapagkat mapapawi rin ng himalang halik.

Kaya nga sakaling hindi ako dumating
Sa panahong ang bituin ay mapanaginipin
Huwag malulumbay, huwag maninimdim
Sapagkat ang pagtatagpo'y sa puso natin...



Isang kaibigan at tinitingalang tao ang gumawa ng tula bilang sagot sa tulang ginawa ko "at dahil mahal kita". Karangalan ko talaga ang magkaroon ng mga makatang kaibigan at masaya akong kabilang pare-pareho kami ng passion. :) Salamat kay kuya/sir Noel Sales Barcelona para sa tulang ito. Alam ko impromptu nya lang ito ginawa. Ganun kabihasa at makata!

Sunday, September 5, 2010

At dahil mahal kita/Dahil sa iyong pag ibig

Isang umaga, habang lulan ako ng bus pauwi ng Rizal galing opisina, naisip ko ang linyang "hahanapin kita sa aking panaginip". Malungkot ang paligid ng araw na iyon (Sept 3), maulan at napakalamig sa loob ng bus. Pag uwi ko ng bahay ay nagsulat ako. Ito ang kinalabasan:

AT DAHIL MAHAL KITA

Hihintayin kita sa aking panaginip
Mahihimbing akong sa iyo'y nananabik
Pipikit akong ikaw pa rin ang nasa isip
Hahanapin kita sa aking panaginip
Kapag ikaw ay kapiling na
Walang sandaling sasayangin sinta
Bubuhayin natin ang mga mga ala-ala
At kung maari sanay hindi na magising pa
Sabay nating tatawirin ang bahaghari
Aakyatin mga ulap hanggang kumulimlim
Hawak-kamay na bibilangin ang mga bituin
Susungkitin natin ang buwan sa gabing taimtim
Babalik rin tayo sa ating tagpuan
Kung sa'n nagsimula ating pag-iibigan
Iuukit kong muli ang iyong pangalan
Sa puno na madalas nating sinasandalan
Kapag wala na tayong maisip gawin
Dadalhin naman kita sa ating hardin
Uupo ako sa tabi mo at sa langit ay titingin
Muling idadalangin na ako sana'y kunin Niya na rin.


Isang kaibigan ang sumagot sa tulang ito, yun nga lang, mas maganda pa ang gawa niya kesa sakin, napaka-makata talaga niya. 

Dahil sa iyong pag-ibig by Sinta Isaac

Irog, ngayong gabi ikaw sana'y humimbing
sa iyong panaginip ako'y iyong hanapin,
alam kong ika'y nananabik sa aking pagdating
sa loob ng iyong puso ako sana'y hintayin.

At sa sandaling tayong dalawa'y magkapiling
bagamat ito'y panaginip, iyo sanang damhin
ang nilumot na alaala ating muling buhayin
ngunit sa huli'y kailangan mo pa ding gumising.

Itatawid kita sa tulay ng mga ulap
patungo sa bahagharing ating pinapangarap
pilit nating papangalanan ang bawat bituin
at pagmamasdan kita sa ilalim ng buwan at dilim.

Ibabalik kita sa init ng aking mga bisig,
ang bisig kong kinakapitan mo ng mahigpit
Muli mong iuukit ang pag-ibig sa aking katawan,
dito sa loob ng ating mga puso ang ating tagpuan.

At sa sandali nang ating pananahimik,
ipakita mo sa akin ang mga rosas nang pag-ibig,
humimlay ka sa aking tabi at ang mata'y ipikit,
sa ganoong paraan lamang tayo maaaring magtalik...

dito sa sarili nating langit.


Salamat ulit Sinta, hindi ko makakalimutan ang tulang ito :)

Saturday, September 4, 2010

Siya

Naaalala mo pa ba
Nung araw na binaybay natin
ang kahabaan ng Ayala?
Habang kinukwento mo sya
Iniintindi naman kita.

Tumutulo ang luha mo
Nagdurugo ang puso ko.

Naalala mo rin ba?
Habang tinititigan kita
Mahimbing ang iyong pagtulog
Nang ang cellphone mo
ay biglang tumunog?

Sinagot ko ang tawag niya
Kahit alam kong magagalit ka.

Naalala mo ba
Nung oras na pinapili kita?
Hindi ko naman gusto
na isuko ka
Ang akin lang naman,
Mas importante
Kung kanino ka
magiging maligaya.

Natatandaan ko
maliwanag pa sa sikat ng
galit na galit na araw
Ako
Ako ang pinili mo.

Pero bakit ngayon
siya pa rin ang iniiyak
at laging bukang bibig mo?

Marahil
namali ka ng sagot.
Marahil siya naman talaga
Naawa ka lang sakin.


(Gusto ko pa dugtungan, wala lang akong maidugtong)

Wednesday, September 1, 2010

Wag mong babasagin ang mga trip ko sa buhay.

Ayoko sa lahat yung pinapaki alaman kung ano man ang trip ko sa buhay. May pagka autistic kasi ako, kung ano yung boring - yun ang gusto ko. Katulad ng pagsusulat at pagbabasa, yung ang dalawang halimbawa ng mga paborito kong gawain. Kulang lang talaga ako sa oras.


Siguro kung marami akong oras, napakarami ko nang naisulat at siguro kung nagkaroon pa ako ng mas maraming oras, nakapag aral na ako ng tungkol sa pagsusulat or kahit self study lang para lumawak ang vocabulary ko both in tagalog and english.


Ayoko ng taong magpapanggap na interesado sa ginagawa ko pero hindi naman pala talaga. Ayokong-ayoko ng nagpe-pretend na nagugustuhan nya ang mga gusto ko din. Di bale nang mag isa lang ako, basta wag na wag kang magco-comment sa kung anong ginagawa ko.

Pagdating naman sayo, wala akong pakialam kung mas trip mong manood ng cartoons or matulog or makipagdaldalan, kiber ako dyan. Magpakasaya ka. Basta't wala tayong pakialamanan.

Kung wala kang sasabihing matino, tikom mo na lang yang bibig mo. Madafaka.

Sunday, July 4, 2010

High School Memories

Right now, I remember my high school life. I remember the gates, the rooms full of chairs that is always insufficient for the number of students (the early birds catches the worm). I remember the comfort rooms that never fail to stink, the textbooks we used to share and the blackboards where we write our dreams, our aspirations and plans.

I miss the teachers who confronts and comforts us with every thing we do. I miss their voices saying we can have a good future if we start working for it then. I remember how strict and considerate they are, of course there are some who really suck. I remember the heat inside the classroom, the canteen that's always full if you dont run fast as soon as the time says its time to eat. There used to be a line for sodas that is always noisy.  I cannot forget how often I eat maling, fried rice and pop cola.

Aside from the teachers and staffs there's another group you need to consider when inside the campus. The CAT officers. Most of them will punish you for nothing only just to make them feel more powerful. HAHA! But of course I cannot forget my CAT days. Really memorable for me.

I remember the bullies and royal bloods. The circle of bitchy friends, nerd ones, achievers, ab-normals, the weird ones (which I consider I was a member).

I miss high school. There is one part of me that says its not over. Until the day I die, I will never forget my days in that campus. I will never trade it with any other expensive and exclusive schools out there. My high school was not as happy as I wanted it to be but it was ok. I did ok. 

There's still a lot of memories I want to share, from the crushes to puppy love, the soiree, the graduation, projects and more. Will do next time. Bye for now.

Saturday, June 19, 2010

Me tired.

I dont feel like giving it a shot anymore. I think another try to continue the relationship is another waste of time. I am tired of arguments and the drama and the suyo stage. I am tired of pointing out who is wrong or who is right. Feelings is not to be considered, because that's a different story. But I dont believe in the song "Love will keep us alive". Love alone cannot survive. Love, when it comes to relationship needs commitment, understanding and sacrifice.

When you love, you need to have a narrow mind. You need to weigh things all the time. The pros and cons of your actions and why you are acting it out.

I feel I am stuck in this relationship. I am misunderstood by my actions and yet I am the one who always need to neutralize things up. I am tired of not being trusted. I am tired of doubts and accusations.

I am tired. Few more days will really blow me up.

Monday, June 14, 2010

OKTUBRE

Sabi nila, madali raw makikilala ang demonyo dahil ito daw ay may dalawang malaking sungay, may buntot, at laging may dalang higanteng tinidor... Pero malayo ang itsura nito sa mga demonyong kaharap ko ngayon.




Nasa impyerno ako ngayon.


May demonyong nakapatong sa nakahandusay at hubad kong katawan. Ang isang kamay nya ay nakasabunot sa aking buhok habang ang kanan nyang kamay ay may hawak na baril habang nakahawak sa aking kanang dibdib. Bawat pagpalag ng aking mga hita ay may kapalit na suntok o sampal. Nakabusal sa aking bibig ang underwear ko. Ang mga kamay ko ay pigil-pigil ng dalawang lalake pa na panay rin ang lamas sa maseselang parte ko. Nag-uunahan sila sa pagkapa ng mga bahagi na makakapag-patindi ng kanilang pagnanasa. Pati ang kanilang mga bibig ay naglalakbay din sa walang saplot kong katawan. Malayo ang itsura ng tatlong demonyong ito sa mga napapanood ko sa tv at nababasa sa mga libro pero sigurado akong nasa impyerno ako ngayon.


Nilalantakan na ako ng tatlong demonyo. Ito ba ang kapalit ng pangungupit ko ng pera kay Dad? Ito ba ang kabayaran sa mga kasinungalian ko kay mama kapag ginagabi ako ng uwi galing sa paglalakwatsa kasama ng tropa ko? Grabeng parusa to. Gusto ko na lang mamatay kesa ganito.


Halinhinan sila sa panggagahasa sakin. Para akong lechon na pinagpi-piyestahan. Parang wala silang balak tumigil. Hindi ko alam kung naka-ilang beses na silang nagsalit-salitan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga impit kong daing, at mga ungol nila habang sarap na sarap sila sa ginagawa nila sakin. Pati dugo ko yata ay mailuluha ko na sa tindi ng hirap na dinaranas ko.



Ganito pala ang impyerno. Isang matinding parusa. Isang bangungot. Wala ka nang hihilingin pa kundi ang mamatay na lang ulit at baka sakaling pagmulat ng mata mo ay napadpad ka na sa langit.


Natapos na naman yung isa at tumayo siya mula sa kanyang pagkakaluhod sa aking harapan. May papalit na naman. Hindi ko na kaya ang kahayupan nila. Papatong na sya sa akin ngunit itinikom ko ang aking mga hita bilang pagprotesta. Isang bigwas sa aking panga ang iginanti nya. Namanhid ang buong mukha ko.


Nahilo ako at parang nabibingi. Umiikot ang aking paningin. Ilang segundo pa'y lalo nang nagdilim ang paligid. Unti unting naglaho ang impyernong eskinitang iyon kasabay ng tatlong demonyong humahalay sa akin.

***********

1:37am na sa digital wristwatch ko.


Mahirap ang graduating student. Maraming projects at exams. Samahan pa ng thesis na pinaglamayan namin ngayon sa bahay ng classmate ko. Doon ako pinatutulog ng parents nya dahil alanganing oras na kaso may pasok pa kami bukas ng umaga kaya ipinasya ko na lamang umuwi.


Gustong gusto ko nang makauwi para ihimlay ang pagod kong katawan at utak sa malambot kong kama. Hindi na ako maghahapunan, bukas na lang. Naubos talaga ang lakas ko ngayong araw na ito. Sinimulan ba naman kasi ni Prof. Benitez ng isang mahabang "short" quiz tungkol sa C++ eh. Sino ba naman ang hindi mauubusan ng lakas.


Tatlong eskinita na lang ang tya-tyagain kong lakarin at mararating ko na ang terminal ng mga tricycle para makauwi sa amin. Lagi naman akong may kasabay na naglalakad sa kalyeng ito. Ngayon lang wala dahil masyado nang gabi kaya wala ng tao sa daan. Tanging isang itim na pusa ang nakasalubong ko sa daan. Tahimik na ang paligid. Waring tulog na ang kalye. Ang bilis ng paglakad ko. Nakakatakot pala sa lugar na ito kapag ganitong oras na.


Naulinigan kong may kasunod pala akong naglalakad sa makipot na eskinitang iyon. May yabag ng tsinelas sa likuran ko. Lumingon akong bigla at nakita ko ang dalawang lalaking nakatingin sa akin. Bigla akong kinilabutan sa takot. Diretso rin sila sa paglakad.


Malapit na ang susunod na eskinita, kakaliwa na ako. Sana ay may tao dun para mahingan ko ng tulong kung sakaling may balak na masama ang dalawang lalaking ito.


Pagliko kong pakaliwa ay natanaw kong may isang anino sa di kalayuan. Nakatayo lamang ito at nakatingin sa direksyon ko. Lumiko din ang dalawang lalaki sa likuranko. Pakiramdam ko ay mas malapit na sila ngayon sa akin. Halos patakbo na ako kung maglakad. Naguunahan ang aking mga paa at malalaki ang aking mga hakbang.


Nasa bandang gitna na ako ng eskinita nung habulin ako at akbayan nung dalawang lalaki. Holdap daw. Pinagitnaan nila ako. Wag daw akong papalag dahil papatayin daw nila ako. Halos bumaon sa aking tagiliran ang nguso ng baril na hawak nung isang lalaki. Amoy alak sila pero mukhang hindi naman masyadong lasing. Sa nanlalabong dilaw na ilaw ng poste na kinatatayuan namin ay pilit kong kinilala ang kanilang mga mukha. Namumula at nagdudumilat ang kanilang mga mata. Maya maya pay lumakad papalapit sa amin ang aninong nakatayo sa di kalayuan ng eskinita. Kasama pala nila ito. Look out.


Wala akong pera kundi ang natitirang ilang daan sa allowance ko at ang bagong cellphone na regalo ni Dad sa akin nung nakaraang pasko pero walang pagdadalawang isip na ibibigay ko sa kanila iyon para lang huwag nila akong saktan o patayin. Nagmamadaling iniabot ko ang bag ko sa lalaking may hawak ng baril. Bata pa ito. Kalbo at humpak ang mukha. Payat. matangkad lang sa akin ng kaunti. Kinapkapan pa ako ng mga kasama nya. Pinapalis ko ang mga kamay nila. May kamay na humipo sa aking puwet. Nagkatinginan sila. Lalong umigting ang aking kaba.


Tatakbo na ako. Aalis na ako dito ngayon din sabi ko sa sarili ko. Hahakbang na sana ako para tumakbo palayo pero hinawakan ako sa siko nung isang lalaki. Nanginginig ang aking katawan sa takot pero ipinalag ko ang aking braso at nabitawan nya ako. Pero hindi ko na nagawang tumakbo, hindi na ako pinakawalan nung dalawa pa.


Ikinasa ang baril at itinutok sa akin sabay sabing "hubad!" Lalo na akong nagimbal at hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ako naghubad kayat ang dalawa pang kasabwat ang marahas na nagtanggal ng aking uniform. Tinangka kong manlaban pero sinikmuraan ako nung isa. Hindi ako nakahinga at napaupo ako sa sakit. Hinaltak nila ang blouse ko at hinubad ang palda ko.


Tanging panloob na lamang ang natitirang saplot ko. Inutusan nila akong lumakad. Dadamputin ko sana ang aking uniform nung may sumipa sa akin. Natumba ako at nasubsob sa paanan ng poste kayat nagdugo ang aking bibig. Sumigaw ako ng saklolo kayat nakatikim ako ng matinding sampal.

 
Pakaladkad nila akong dinala sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Sa lugar na kinatatayuan kanina nung kasabwat nila na hindi nasisinagan ng kahit kaunting liwanag mula sa bombilya ng mga poste. Sa may tabi ng tapunan ng basura, kung saan ga-baywang na ang taas ng patong-patong na plastic ng basura at napaka baho ng amoy. Itinulak nila ako at sapilitang inihiga sa malamig at matigas na semento. Inalis nila ang natitirang saplot sa aking katawan at sinimulan akong halayin.

***********

May tumatapik sa aking pisngi. Malamig ang kanyang kamay. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasa impyernong eskinita pa rin ako. Madilim-dilim pa rin ang paligid ngunit sisikat na ang araw maya-maya. Ikinilos ko ang aking kamay at tinanggal ko ang busal sa aking bibig. Isang matandang taong grasa ang gumising sa akin. Wala na ang tatlong demonyo.


Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala na rin ang relo ko o kung gaano ako katagal nawalan ng malay at kung ilang beses pa nilang inulit ang kahayupan nila sa akin.


Nakatingin lang sa akin ang taong grasa. Pinagmamasdan nya ako mula ulo hanggang paa. Waring alam nya kung anong dinanas ko. Hindi pa ako gaano makagalaw ngunit pilit kong itinukod ang aking mga siko upang makabangon. Pakiramdam ko ay nagka gutay gutay ang aking mga kalamnan. Kumilos sya at hinubad ang kanyang sira-sirang tshirt at iniabot sa akin.

***********

 
Muntik nang ma-stroke si Dad dahil sa matinding galit na naramdaman nya nang malaman nya ang sinapit ko. Kahit kailan ay hindi ko sya nakitang umiyak. Ngayon lang. Pati si mama na hindi ko gaanong ka-close ay nakitaan ko ng sobrang hinagpis.


Nung mahimasmasan si Dad ay inutusan nya si mama para kontakin ang ninong kong pulis. Pagkatapos nilang mag-usap ni ninong ay niyakap ako ni Dad. Sabi nya gagawin raw nila ni ninong ang lahat para managot ang mga hayop na lumapastangan sa akin. Lahat raw ng koneksyon ay gagamitin nila upang magbayad ang mga kriminal na iyon sa kahit na paanong paraan. Matinding kabayaran daw ang haharapin nung mga kriminal na iyon.


Hindi naman binigo ni ninong ang pamilya namin lalot higit si dad, apat na araw pa lang ang nakakaraan ay pinabalik na nya kami sa presinto upang kumpirmahin ang mga suspek na nahuli nya. Nahuli ang dalawa. Yung isa daw ay nakatakbo. Sabi ni ninong hindi raw lilipas ang linggong ito at mananagot din ang isa pang iyon. Magkakaron daw ng hustisya ang pangba-baboy na ginawa nila sa Unica Hija ng kumpare nya.


Tumupad si ninong sa pangako nya. Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa eskinita. May tama ito ng baril sa sentido. Isang bala lang ang tumapos sa buhay nito. Iniabot sa akin ni dad ang dyaryo upang ako mismo ang makabasa ng buong detalye. Malinis ang pagkakagawa at walang makapagsabi kung sino ang nasa likod ng pagpatay na ito.


Pinatay ni ninong ang pangatlong suspek na nang-rape sa akin. Sabi ni Dad, tinorture daw ni ninong ng todo ang dalawang kasamahan nito na naikulong na upang sabihin kung saan maaring magtago ang kasama nila. Naluha ako sa kinalabasan ng lahat pero hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting awa. Tama lang sa kanila ang kanilang sinapit.

 
Mabilis kong nakamit ang hustisyang isinisigaw ng maraming babaeng kapwa ko biktima sa panghahalay. Pero kahit ganon may mga gabi pa ring napapanaginipan ko ang nangyari sa eskinitang iyon. Pakiramdam ko ay napakarumi ko. Nahihiya akong makihalubilo sa ibang tao.


Dalawang buwan na ang nakalilipas subalit lagi pa rin nila akong nakikitang tulala at parang wala sa sarili. Madalas akong nakaupo sa baitang ng hagdanan namin, nakapangalumbaba at nakatingin sa sahig na marmol. Naging madalang ang pagpasok ko sa eskwela. Lagi rin akong nagkukulong sa kwarto at nanonood lang ng mga pelikulang brutal at puro patayan. Humina rin ang aking pagkain at lagi akong walang kibo. Dinala ako ni mama sa doktor kahit tumututol ako.


Sabi ng doktor sa Oktubre daw ako manganganak.

Tuesday, June 1, 2010

blush blush


Leisha Hailey
I watched her in LWord and was fascinated by her acting style. Comic yet emotional. Flirt and deep. Playful but sincere. Now I came across a site that features her band named Uh Huh Her. Cant wait to go home and hear their music. I cant deny I like her! =)

Friday, May 14, 2010

Imelda

Sa kagustuhan niyang makapunta ng sayawan sa bayan, binalewala niya ang banta ng kanyang lola na uulan ng malakas ng gabing iyon. Kahit umaambon at malakas na ang ihip ng hangin ay tumuloy siya sa kanyang lakad. Sigurado siyang tutuloy din naman ang kanyang mga kaibigan kaya't hindi siya nagpapigil sa nagbabantang malakas na ulan.

Halukipkip ang balabal at payong, matiyaga niyang nilakad ang madilim na daanan sa kanilang baryo upang makapunta sa antayan ng jeep papuntang bayan. Ingat na ingat siyang malukot ang kanyang bestida o kayay masira ang lumang luma na niyang sandalyas. Ang buhok nyang mahaba na ngayon ay nakakulot dahil sa maghapon niyang pagsosoot ng rollers. Nakalipstick din siya at pulbos.

Imelda Magtanggol. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung anong rason ng kanyang ina para pangalanan siyang Imelda. Hindi niya kilala ang kanyang ama, lumaki siya sa poder ng kanyang lola. Ang ina niya ay namatay sa araw ng kanyang debut. Kung tutuusin, langit at lupa ang pagitan nila ng kanyang tokayo - Si Madam Imelda Marcos. Lahat ng bagay na mayron si Madam Imelda ay wala sa kanya. Yaman, ganda, kapangyarihan, edukasyon -lahat wala sa kanya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng sayawan sa bayan nila. Maganda raw kasi ang ekonomiya nila sabi ng kanilang gobernador. Ang sayawan daw na ito ay isang pagdiriwang at pasasalamat sa mayamang anihan, magandang klima at tahimik na bayan.

Ito ang kauna-unahang makakasayaw siya kayat naman ilang linggo niya itong pinanabikan. Talaga namang kinukulang siya ng tulog sa gabi kakapangarap kung sino ang lalaking una niyang makakasayaw sa buong buhay niya. Ang bistida niya ay sariling tahi nya lang gamit ang lumang makina ng kanyang lola. Ang sapatos niya ay ang sapatos na binili sa kanya ng kanyang ina noong ikalabing walong kaarawan niya bilang regalo.

May halong nerbyos rin ang kanyang nararamdaman. Paano kung magbutas lang siya ng bangko gaya ng pagbibiro sa kanya nila Jen? Sa kanilang apat na magbabarkada, siya na lang ang hindi nagkakanobyo. Masyado raw kasi siyang makaluma at pakipot. Dapat daw sabi ni Gina, ay pumayag siyang magpaligaw kay Mike para manlang maranasan niya kung paano ligawan at paano suyuin.

Thursday, May 13, 2010

A night of art

A night of art.


Isang exhibit ng baguhang photographer ang naganap kagabi. Ginanap ito sa isang function room na sadyang inayos para magmukhang luma at madilim. Ang artist na kumuha ng mga litratong ito ay nakaupo sa gitna habang tumutugtog ng lumang melodiya sa grand piano.



Lalong lumungkot ang paligid ng saliwan ito ng arkiladong orkestra. Nagmukha itong concert at museum. Talagang maganda ang mga litratong nakasabit sa paligid na may ibat-ibang laki at estilo ng frames.


Para sa isang baguhang artist, ang pageexhibit na tulad nito ay isang pagsusugal. Hindi siya sikat at hindi tiyak kung mabebenta ba ang mga litratong iyon.


Hindi naman ako mahilig sa mga exhibit lalo na sa arts. Na-curious lang ako ng marinig ko ang tunog ng piano kaya pumasok ako sa silid ng hotel na iyon na tinutuluyan ko.


Sa di malamang kadahilanan, hindi na naman ako makatulog katulad kagabi pagkagaling sa exhibit. Waring naririnig ko pa rin ang napakalungkot na musikang nagmumula sa piano. Tinititigan ko ang litratong binili ko sa exhibit na ngayon ay nakasabit na sa dingding ng kwarto. Ang litratong napili ko - isang babaeng nakatayo sa isang tulay na nakatingin sa ilog habang may namamangka. Ito ang pinili ko dahil mahilig akong mamangka.


Parang nahipnotismo ako ng musika ng grand piano. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.










Thursday, May 6, 2010

kwikapdeyts

Inspite of all the efforts, late pa rin akong dumating sa office. 7:00 ang simula ng meeting. Alas kuwatro pa lang ng hapon gising na ako. Hindi na ako kumain sa bahay (wala pa rin namang luto) at nag take out na lang ako ng food from jabi. Ang hirap pa mag abang ng taxi sa Paseo. Ironic talaga. Kahit anong effort ang gawin mo, late pa rin. Naalala ko tuloy nung morning shift pa ako na lagi ako cry baby sa byahe dahil napaka-traffic sa EDSA sa araw araw na ginawa ng Diyos.


Nakakatawa yung kapitbahay naming barbero. Nanghiram siya ng gunting sa kapatid ko (which is mine) dahil may gugupitan daw siya!


Kaninang umaga, I had breakfast with someone. Naglabas ng sama ng loob tungkol sa jowa niya. Sa sobrang kasamaan ng lover niya, nahawa ako sa galit. Kung pwede ko lang ikwento dito ng detalye, malamang lahat ng makakabasa nitong blog ko ay magagalit din don. Promise! Kaya sa tuwing makikita ko o makakasalubong ngayon dito sa opisina yung taong yon, umaakyat sa ulo ang lahat ng dugo ko at gusto kong sugurin at saktan to the max para magtino!


Had dinner in a resto near the office with team mates. Sobrang busog. Ang saya ng pagkanta ng mga crew sa dalawang birthday celebrants. Haha! Ang kulet talaga!

Thursday, April 29, 2010

Mga taxi driver na mandaraya!

Ayoko sa lahat ng iniisahan ako ng kapwa ko. Male-late na ako kagabi at umuulan pa kaya napilitan ako mag taxi ulit. Ang bwisit na driver may daya yung metro! Lintik na matanda yon! Normally, from Global hanggang sa amin ay 185 pesos lang pero, putakte, inabot kagabi ng 230. Sobrang asar talaga pero wala akong magawa. Bakit ba ganyan ang karamihan ng mga taxi? Makarma sana kayong lahat dahil sa panlalamang ninyo sa kapwa nyo! Leche kayo!

Friday, April 16, 2010

Me says

Don't stress yourself by trying to find something admirable about someone you didn't really like since the very first day you met him/her. Its a waste of time digging up reasons to compliment someone who possesses nothing that but an ass full of shit or a heart that beats only to pump blood.

Tuesday, April 13, 2010

I Like!

I have always loved taking pictures. This passion is expensive and I never had the chance to cultivate this art except when I was in high school where photography class is part of our curriculum.
Right now, I have one item on my mind. Im want to buy one hopefully before the year ends. It is user friendly (as I read) and by far the cheapest Ive seen in the market.

Monday, April 5, 2010

As sure as I'm standing here





Sometimes I look at you
Sad and so beautiful
Young and alone
And so far from home


Much too much for you
Much too soon
Empty eyes gazin' at the moon


As sure as I'm standing here
You'll never have to be afraid
As sure as I'm standing here
I'll try and help you find your way
Oh I swear, as sure as I'm standing here
You'll never need to be alone
You've got my word
As sure as I'm standing here


Sometimes I look at you
Sleepin' like a baby
Your hair combed with sunlight
Full of sweet days
You say nothin' matters
Say you know how it is
Did you think it would be like this?


But sure as standing here
You'll never have to be afraid
As sure as I'm standing here
I'll try and help you find your way
Oh I swear, as sure as I'm standing here
You'll never need to be alone
You've got my word
As sure as I'm standing here
Oh I swear as sure as I'm standing here


Barry Manilow

Tuesday, March 30, 2010

Genie where are you?

I want to have a vacation. I dont want an expensive one. I dont want big amusement parks or buildings or europe right now. I just want a house like that one in "Something's gotta give" movie or the one in "Nights in Rodanthe".


If only a genie will appear in front of me just by rubbing my stupid coffee mug, I will wish for a week of vacation. Maybe in Baguio or somewhere close to nature. Just like the Forks Town of Washington State in the movie Twilight. I love Nature. It helps me relax.


I want a vacation house with big windows overlooking a lake or a sea. I want big beds with white sheets and antique wood furnitures. I want to eat veggies and fruits while having a picnic. I want to sleep at night after watching a classic movie. I want to wake up in the morning and take a walk in the streets full of trees and grass and flowers.... I want a country home or a house near the beach.

Genie, where are you?

Tuesday, March 23, 2010

Gone For Good - The Shins




Untie me, I've said no vows
The train is getting way too loud
I gotta leave here my girl
Get on with my lonely life
Just leave the ring on the rail
For the wheels to nullify

Until this turn in my head
I let you stay and you paid no rent
I spent twelve long months on the lam
That's enough sitting on the fence
For the fear of breaking dams

I'd find a fatal flaw
In the logic of love
And go out of my head
You love a sinking stone
That'll never elope
So get used to the lonesome
Girl, you must atone some
Don't leave me no phone number there

It took me all of a year
To put the poison pill to your ear
But now I stand on honest ground, on honest ground
You want to fight for this love
But honey you cannot wrestle a dove
So baby it's clear
You want to jump and dance
But you sat on your hands
And lost your only chance

Go back to your hometown
Get your feet on the ground
And stop floating around
I found a fatal flaw
In the logic of love
And went out of my head
You love a sinking stone
That'll never elope
So get used to used to the lonesome
Girl, you must atone some
Don't leave me no phone number there



Monday, March 22, 2010

Ang Background Music Ko.

Alam mo ba ang kantang KOKOMO ng The Beach Boys? Inilabas ang kantang ito noong 1988. Classic. Nag number 1 ito sa billboard noon Nov 5 1988. Masaya ang awiting ito kaya naman ng marining ko ito sa office pag upo ko pa lang ay natuwa ako at sumabay pa ako (fan din kasi ako ng mga old songs.)


Pero ang marinig ito ng limang beses sa loob lamang ng apat na oras habang nagtatrabaho ay hindi nakakatuwa. At kahit gusto ko ang kantang ito, parang gusto nang sumabog ng tenga ko. Ano pa kaya ang mangyayari sa susunod na limang oras pa habang nandito ako sa office?

Isama pa ang mga kantang Copacabana, Tide is High at Surfin USA. ;p Tinatawanan ko lang kahit masakit na ang ulo ko. Kailangan pa rin naman ng salitang "pakikisama" kahit saang lugar.

Friday, March 19, 2010

Kapag Laos Na Ang Mga Sikat.

Kapag 'di na gasgas
ang salitang "mahal kita"
sasabihin ko ito sayo
para di mo isagot
na masyado akong ma-"keso".
Saka na lang ako lalapit
kapag wala ka nang ka-Tweet.
Saka na lang kita tatawagan
'pag sa YM ay wala ka nang ka-chikahan.
Kapag ang Facebook ay hindi na "in"
at si Lady Gaga ay laos na rin...
siguro pwede na akong magpapansin
sa gayon masisiguro kong
sa akin ka na lang titingin.
Kapag hindi na uso
ang mga katagang "wrong timing"
saka ako magtatapat
para hindi mo sabihing
isa kong "malaking assuming".
Saka na lang,
kapag wala nang kaagaw sa iyong atensyon
kapag wala nang exciting sa Internet or MTV
'pag luma na ang Iphone o Blackberry.
Saka na lang
pag sawa ka na sa kaka-text
para di isiping ang sasabihin ko
ay ginaya ko lang
sa isang forwarded message.
Sa ngayon,
mananahimik muna ako sa isang tabi
at mangangarap tuwing gabi
na ako ang kasama mong nanonood
ng mga love story sa Imax 3d.
Iba-blog ko na lang muna
ang nararamdaman ko sayo
at maghihintay ng mga pictures
na naka-tag kasama mo
magpaparamdam na lang ako
'pag hindi ka na hooked
sa mga pinagkakabisihan mo
at wala nang uso sa paligid mo.

Baw.

Wednesday, March 17, 2010

Private Moments

I am not good when it comes to explaining my side. Maybe that's why people say that I act as if I am always right. Ive been impressed as selfish, self-centered and insensitive. I always have a hard time elaborating what I want and what I need and that results to conflicts and arguments.

When it comes to privacy, I share what I wanted to share and keep quiet with the things I dont want to open up. If I dont tell it to them straight, it means I dont want to share it with them. I dont want people to intrude the prerequisite item in everyones life.


I am tired of arguments and I hate it when I cause pain to other people. So to end the misunderstandings, I will just simply accept and swallow all the negative things that people will say against me. I will let them blame me. Or curse me or whatever if that would make them feel more ok. I will just admit all the faults.

I will admit all the mistakes even the ones I dont really understand. But Im expecting them to allow me to do the things I wanted to do. Another issue that will be brought up regarding this again will really result to a deeper problem. I dont want to hurt others anymore. But please leave me alone with the things I want to do.


Adios.

Tuesday, March 16, 2010

Time After Time

I want to prolong the 24 hours of days just so I can find time to talk, chat and to write. There are a lot of unfinished businesses/things all around me. My short story entitled "Dugo" is the first on my list. It still need sentence reconstruction, translations and editing of structures. Second is the Pirates of the Carribbean. I havent finished watching the movie which I borrowed from my friend whom Im going to call Amir. Third are the series of Glee and True Blood which I bought for as long as I could remember.

Next in line is my Starbucks daily planner, I want to start decorating it and paste different sort of stuffs on it. I got the idea from a friend in FilWriter.com. Everytime we're going to meet, I would always check his planner. Its soooo cute and fab. Bonga.

Next is my laptop. I need to ask help from someone to fix my OS. I want it back to windows 7. Complete with Anti Virus and programs.

Next is to finish the books of Twilight Saga. Whoah, third movie is just few months away and Im still on the second book.

Then, I want to overhaul my room. I want to make it more spacious.

There are more things I wanted to write right now, but I dont have the luxury of time again.




Bye for now!

Saturday, March 13, 2010

My weekend.

Im not doing extravagant things this week of my birthday. The weekend didn't turn out the way we planned it. Money shortage. Schedule in parlor, pyromusical competition, 3d movie and everything else is canceled.

Yes, we're not doing extravagant activities right now but we're having an extra special weekend because we're together and that's what matters most.

Carpe Diem.

Waiting for 6:30pm

Im here in BK glorietta for almost 4 hours now. Reading stuffs, updating my Facebook account and trying to improve my blog. I wish I could learn more so I could improve my page. Il be watching The Red Shoes in a bit.

I was in the poetry reading/anniversary of kilometer 64 last night. Half of the performers are my friends. Ive seen for the first time a lady named Babes Alejo, who sang "Kontradiksyon" Galing nya! We were all amazed with her performance.

Wednesday, March 10, 2010

hapee burpdey to mi!

mahigit 8 years na pala ako nagta-trabaho. mahigit 8 beses na rin akong pumasok sa trabaho sa araw ng birthday ko. pag naiisip ko kung anong mga napagdaaanan ko, natutuwa ako sa narating ako at nagsisilbi rin yon inspirasyon para sa mga pangarap ko pa. saka ko na sasabihin kung ano ang mga iyon.






hindi naman talaga malungkot magtrabaho sa araw ng birthday lalo na kung wala ka naman talagang planong icelebrate ang araw mo.






sa company namin, may lcd screens sa buong floor, at may slide show ng mga celebrant for the month of march, ironic nga lang, kasi first time mabo-broadcast na march 11 ang birthday ko pero maling date naman ang nakasulat sa screen. gusto ko nga sakalin actually yung gumawa ng slideshow pero naisip kong hindi naman nya iyon sinadya. pati nga spelling ng name ko mali e. palitan ko na kaya sya sa trabaho nya?






last year kinausap ako nung boss kong american, sabi nya ano daw ginawa ko nung birthday ko. medyo bitter-bitteran pa ko nun kaya ang sagot ko, "i was here, working but I realized I needed time for myself so I went to Cebu the next day."






kanina, nakakatawa kasi may nakasalubong ako, sabi nya, uy blowout, birthday mo pala sa march 22!






gusto kong pasalamatan si God, na patuloy sa pagbuhos ng blessings sakin at sa family ko. although minsan may mga trials (na hindi naman talaga nawawala sa buhay ng tao). nagpapasalamat din ako sa family, sa aking special someone, sa mga friends at sa mga katrabaho kong nakakasalamuha ko everyday.










AYAN 12 AM NA! BIRTHDAY KO NA! wala akong handa at papasok rin naman ako ulit mamayang gabi. pero sa friday, saturday at sunday hectic ang sched ko, puro lakwatsa =) yey!

Tuesday, March 9, 2010

I am his number one fan.



Siya si Colin Firth. Isang British actor. Una ko syang napanood sa Bridget Jones Diary. Since then, na-addict na ako sa kanya =) Napanood ko rin yung iba n'yang movies tulad ng Mamma Mia, Girl with a pearl earring, Love actually, Hope Springs, Accidental Husband, Shakespeare in love. Versatile, gentleman, hot and a master on his craft.

Kaya naman nung Monday, kesehodang mapuyat ako, nanood ako ng Oscars. Isa kasi siya sa nominees for best actor award dahil sa movie na A Single Man. Sayang nga lang at hindi iyon ipinalabas dito sa 'Pinas (katulad ng karamihan sa mga movies niya) kaya magdo-download na lang ako non o kaya magbabakasakaling mayroon sa mga pirated dvd shops :p

Hindi siya nanalo ng Best Actor pero para sa'kin winner pa rin sya. =) Hayyyy... I love you Colin!






Monday, March 8, 2010

KULANG ANG CREAMER NG COFFEE KO.



ILANG ARAW NA AKO BUMIBILI NG COFFEE SA DUNKIN' DONUTS SA IBABA NG BUILDING NAMIN. AYOKO NA NG FREE COFFEE SA OFFICE. NAGPA-PALPITATE AKO SA SOBRANG TAPANG. LAGING KALAHATI NGA LANG NG CUP ANG INIINOM KO PERO GANUN PA RIN, PARA AKONG KINAKABAHAN HABANG NAGTA-TRABAHO KAPAG UMIINOM AKO NON. KAYA DUN NA LANG AKO SA DUNKIN.

LAGI, 'PAG YUNG ISANG CREW (NA MEDYO CUTE) ANG NATE-TYEMPONG BINIBILAN KO NG COFFEE, DALAWANG CREAMER AT DALAWANG SUGAR ANG BINIBIGAY. E KANINA, IBANG CREW YUNG NABILHAN KO, DI KO NA NACHECK YUNG PLASTIC KUNG DALAWANG CREAMER NGA BA ANG NILAGAY NYA. AYON, ISA LANG PALA. DI KO RIN TULOY NAINOM YUNG BINILI KO. NAKAKAASAR. SAYANG ANG PERA KO. BUKAS AT SA MGA SUSUNOD PANG MGA ARAW, SISIGURADUHIN KO NA'NG DALAWANG CREAMER AT DALAWANG SUGAR ANG IBIBIGAY NILA SAKIN.

PERO ANG TOTOO NYAN, GUSTO KO LANG TALAGA GUMASTOS KAYA BUMIBILI PA AKO NG COFFEE IMBIS NA I-AVAIL ANG FREEBIES SA OFFICE :p

Sunday, March 7, 2010

prgrmmr77

meron daw isang event. ewan ko kung anong pamagat. pupunta ang lahat ng mga kaibigan ko sa filipinowriter.com.
gabi na ng makarating ako sa hindi pamilyar na lugar. hinanap ko ang tatlong taong first timers na nakumpirma kong darating din sa event na iyon.

nahanap ko silang tatlo pero isa lang ang natatandaan ko, yung lalaking mataba, maitim, kulang kulang ang ngipin, nakashorts, sandals at round neck black shirt. ewan ko kung bakit ganon ang itsura nya.

bigla akong nagising pagkatapos ng panaginip na iyon. ang lalaking nakita ko ay si prgrmmer77 aka yuco daw. dahil sa panaginip na iyon kaya ko naisulat to. hahahha... weird noh.

sige, balik na ko ulit sa pagtulog.

Friday, March 5, 2010

In My Dreams - Reo Speedwagon





There was a time some time ago
When every sunrise meant a sunny day, oh a sunny day
But now when the morning light shines in
It only disturbs the dreamland where I lay, oh where I lay
I used to thank the Lord when I'd wake
For life and love and the golden sky above me
But now I pray the stars will go on shinin'
Coz in my dreams you love me

Daybreak is a joyful time
Just listen to the songbird harmonies, oh the harmonies
But I wish the dawn would never come
I wish there was silence in the trees, oh the trees
If only I could stay asleep, at least I could pretend you're thinkin' of me
Coz night time is the one time I am happy,
You see in my dreams...

We climb and climb and at the top we fly
Let the world go on below us, we are lost in time
And I dont know really what it means
All I know is that you love me, in my dreams

I keep hopin' one day I'll awaken
and somehow she'll be lyin' by my side
And as I wonder if the dawn is really breakin'
She touches me and suddenly I'm alive

We climb and climb and at the top we fly
Let the world go on below us, we are lost in time
And I dont know really what it means
All I know is that you love me, in my dreams






Wednesday, March 3, 2010

Kailan

Kailan ba maluluklok ang tinatapakan,
babangon mga dangal na niyuyurakan?
Kailan ngingiti ang sangkatauhan,
gigising na may sikmurang hindi kumakalam?

Kailan tatawa ang syang pinagtatawanan?
kailang hahagkan ang pinandidirian?
kailan matatakot ang walang pinaniniwalaan?
kailan mananagot ang mga nanlalamang?

Kailan malilinis ang mga lansangan,
sa mga batang dapat ay nasa paaralan?
Kailan ang matatanda'y lalagi sa kanilang tahanan,
at mapapahinga sa pagkayod para may panghapunan?

Kailan matitigil ang mga bakbakan,
at wala nang hahandusay na duguang katawan?
Kailan pa ba giginhawa at makikinabang,
ang mga manggagawang nahihirapan?

Kailan magsisilbi ang siyang pinaglilingkuran,
at titingala ang mga naghahari-harian?
Kailan aayos ang gobyerno't pamahalaan?
hanggang kailan magpapadala sa kanilang kapangyarihan?

Maraming tanong sa aking isipan
parang halos lahat ay walang kasagutan
marahil kung hindi kikilos at hindi lalaban
habangbuhay tayong alipin sa sariling bayan.

Friday, February 26, 2010

I am fat due to constipation =(


our lesson for today is about constipation.



I am due for 3 long days now. my head is aching, I dont feel light and easy. according to wikipedia, water, fiber and exercise are the solution. I cant have too much water now because I always remember our water bill!


So guys, dont be lazy, eat fruits that are rich in fiber and drink gallons, no, 8 glasses of liquid everyday.





this is from wikipedia:


Constipation, costiveness, or irregularity is a condition of the digestive system in which a person (or animal) experiences hard feces that is difficult to expel. This usually happens because the colon has absorbed too much water from the food due to the lack of water holding capacity of the contents of the bowels. If the food moves through the gastro-intestinal tract too slowly, the colon may absorb too much water, resulting in feces that are dry and hard. Defecation may be extremely painful, and in severe cases (fecal impaction) lead to symptoms of bowel obstruction. The term obstipation is used for severe constipation that prevents passage of both stools and gas. Causes of constipation may be dietary, hormonal, anatomical, a side effect of medications (e.g., some opiates), poisoning by heavy metals, or an illness or disorder. Treatments consist of the use of laxatives, enemas, changes in dietary and exercise habits, and other medical interventions depending on the underlying cause and urgency of needed relief.


Thursday, February 25, 2010

The Shocking Water Bill


I received a too-bad-to-be-true news today.



Eversince Ondoy happened, for some unknown reasons our water bill decreased tremendously. We did not report it to NAWASA though. So, for the past four months, (october 2009 - january 2010) we enjoyed the priviledge of paying little bills. But this afternoon, while eating my dinner my grandma approached me and broke the big news. Our water bill for February is 8995.00 pesos.



Deym!

Tuesday, February 23, 2010

The Question #1 Are you letting go?


Sometimes it seems like there is no solution left anymore to fix the conflict but to give up. Sometimes it feels like you dont know anything else to do but to let go and accept that shit happens and to apply once again the famous saying "everything happens for a reason."

But what makes you strong is the fact that you experienced the same thing before. You've faced the consequences before, have suffered from hell. So, even if it sucks sometimes, even if it eats up your energy, you still choose to hold on and to fight for your feelings, to fight for the love that you have.

The question is, until when are you going to hold on and keep fighting for the love? What if the reasons you have doesnt seem to be reasonable at all and the only thing that will give you both peace is being alone?

Monday, February 22, 2010

Oo - Updharma Down

‘Di mo lang alam

Naiiisip kita

Baka sakali lang maisip mo ako‘

Di mo lang alam

Hanggang sa gabi inaasam makita kang muli

Nagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon

At ngayon ako ay iyong iniwan

Luhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan

Sana nagtanong ka lang

Kung ‘di mo lang alam

Sana'y nagtanong ka lang

Kung ‘di mo lang alam

Ako'y iyong nasaktan

Baka sakali lang maisip mo naman

Hindi mo lang alam

Kay tagal na panahon

Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa'yo

Lumipas mga araw na ubod ng saya‘

Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta

Kung ako'y nagkasala patawad na sana

Puso kong pagal ngayon lang nagmahal‘

Di mo lang alamAko'y iyong nasaktan

Baka sakali lang maisip mo naman

Puro s'ya na langSana'y ako naman

‘Di mo lang alam

Ika'y minamasdan

Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

‘Di mo lang alamKahit tayo'y magkaibigan lang

Napapaligaya lang sa tuwing nagkukulitan

Baka sakali lang maisip mo naman

Ako'y nandito lang

Hindi mo lang alam

Matalino ka naman

Kung ikaw at ako

Ay tunay na bigo sa laro na ito

Ay dapat bang sumuko

Sana hindi ka lang pala aking nakilala

Kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito

Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko

‘Di mo lang alamAko'y iyong nasaktan

Baka sakali lang maisip mo naman

Puro s'ya na lang

Sana'y ako naman

Isang kindat man lang

‘Di mo lang alam

O, ika'y minamasdan

Sana iyo'y mamalayang di mo lang pala alam

Oooooooo

Malas mo

Ikaw ang natipuhan ko

Di mo lang alam

Ako'y iyong nasaktan



I knew this song from a friend and since then it became one of my favorites.

Thursday, February 18, 2010

The First Time

I want to utilize my new device so I decided to create a new blog. Here is where I am going to keep my poems, essays, short stories, blogs, little things about me or whatever type of literature I'll be writing. It will also serve as my electronic journal.





Thanks for visiting!