Ika-23 ng Setyembre, 2010
"Dalawamput-walong taon akong nag-negosyo ng medical supplies. Mayaman ako dati, maraming pera. Kaso nag-bisyo at nagtiwala sa maling tao. Kunwari mabait, itatakbo lang pala ang pera mo. Ang bilis ubusin ng pera, ang dami kong taong natulungan noon. Maraming lumalapit sakin para mamuhunan. Nagbi-biyahe kami madalas sa mga probinsya para mag-deliver ng mga supplies. Kung naging maingat lang sana ako sa pera at naging matalino, hindi sana ganito ang buhay namin mag-asawa ngayon.
Yung narinig mong kausap ko kanina sa cellphone? Asawa ko yon, nasa nueva ecija, nagbabantay ng maliit na tindahan namin. May kailangan kaming bayaran pero wala siyang mahiraman kaya nag-aalala ako, inaatake pa naman ng kanyang rayuma. Ang hirap ng buhay talaga, pero huli na para magsisi. Milyon-milyon ang naging pera ko noon, pero tingnan mo naman ako ngayon, iilang kaibigan na lang ang natira. Yung kapatid ko sa cebu, contractor ng __, malaki ang kinita niya ng matapos ang project na yon. Siguro hanggang sa magkamatayan kami, hindi na kami magkikita non. Sobrang yaman na niya, hindi na niya ako kailangan. Tsk. Hindi kasi ako naging matalino sa pera e. Kung hindi ako nag-casino, sabong at inom-inom noon, hindi sana ako ganito ngayon. Kung kailan matanda na, saka pa walang pera. Sayang."
- Si Manong Taxi Driver, nagsisintimyento habang stress na stress ako dahil sa punyetang traffic sa c5.
No comments:
Post a Comment