Aaminin ko ba'ng nahulog na ako sa iyo?
Nararapat bang maging tapat
kahit alam ko naman ang isasagot mo?
Paano ba kita sinimulang suyuin ng palihim?
At naisin na kasama mo akong pinanonood
ang mahiwagang takip-silim..
Kailan nga ba ako nagtangkang
bilangin ang mga hakbang papalapit sa iyo?
at sukatin ang distansya ng ating mga puso...
Bakit malalim ang bawat paghinga
habang tinatanaw ang iyong paglakad?
Dahil nga pala -likod mo lang ang kaya kong titigan
at anino mo lang ang kaya kong hagkan...
Sasaluhin kaya ako ng iyong mga bisig
sakali mang tuluyan na akong sa iyoy umibig?
Abot kamay at abot tanaw kita
sadya nga lang mundo nati'y magkaiba.
Kulang ba ang lahat ng kaya kong ialay
para pantayan ang kanyang mga naibigay?
Siguro ay kulang nga.ng talaga.
kaya hindi na ako magtatangka pa.
Maraming akong tanong.
Alam ko rin ang lahat ng sagot.
Pero sa tuwing nakikita kita.
Natututo ang puso kong umasa.
Basta tandaan mo.
Nandito lang ako.
Matiyagang naghihintay sa'yo.
***********
Adlesirc 09.14.2010
Kabog sa dibdib, pagkaminsan ang hatid
ReplyDeleteng iyong pagsulyap, pagtitig --
Hindi malaman kung pagkahindik o pagkasabik
Sa puso'y nagsusumiksik...
Minsang nahuli kitang
Anino ko'y hinahagkan
At nang masalakab ng tanaw
Ay agad kang naghanap ng pagkukublihan.
Bakit hindi ako lapitan?
Bakit hanggang sunod na ka lamang?
Baka kung mapagtantong wagas ang pagmamahal
Bakit 'di pasasalakab sa bisig mong naghihintay?
- Noel Sales Barcelona
Lungsod ng Antipolo, Set. 21, 2010