Sunday, September 19, 2010

Nagkataon lang.

Minsan ba nangyari na sa iyo yung iniisip mo yung isang tao tapos bigla siyang magpaparamdam out of the blue? Ang sarap isipin na kaya nangyayari ay dahil iniisip ka rin niya. Pero hindi. Dapat hindi, you must know better. Lahat ng nangyayari ay nagkataon lang. Walang ibig sabihin at hindi mo dapat lagyan ng malisya... yan ang dapat mong isipin kung ayaw mong masaktan.

3 comments:

  1. Pero 'yan ba talaga ang sinasabi ng kaluluwa, puso mo at isip? O naghihintay kang mahagip ng kanyang bisig at mahagkan ka sa iyong bibig? Pagkaminsan ang puso natin ay tuliro at tuso. Tuliro dahil hindi niya alam ang dapat niyang maramdaman. Tuso dahil madalas tayong ipatibong nito laluna sa puntong naghahanap tayo ng pagkalinga at pagmamahal dahil sawa na tayo sa ating kalungkutan at pag-iisa.

    ***

    Makapangyarihan ang ating isip. May kakayahan itong magpadala ng electromagnetic impulses na maaaring masagap ng isa pang living brain.

    Sa sanaysay na isinulat ni Rutherford Platt, na naisama sa Mind Power collection ng Reader' Digest collection (1981), sinabi niyang:

    "According to biologists, human physical nature is one with all life. The human being, potentially, possesses all the senses of animals, birds, and fish. If nature was able to utilize such forces as radar in the creation of animal senses, then, presumably, these forces were also available in building our own faculties." (p. 148).

    Kaya maaaring kapag malaliman mong inisip ang isang tao, maaari niyang masagap ang signal na iyon, unconsciously or subconsciously. :)

    Pasensiya na po sa pagiging teknikal. Ha-ha-ha! Hindi po talaga mapigilan.

    ***

    At sino naman itong ayaw mong paglaanan ng iyong pamamag-asa? Ngiti ka lang. Mas maganda ka kapag nakangiti. :)

    ReplyDelete
  2. wow salamat sa ibinahagi mo kuya. kathang isip lang po ito hehehe :) gusto ko sana gawan ng tula iyan pero wala pa pong time. thanks ulit!

    ReplyDelete
  3. Sana... sana... sana totoo talaga 'to:

    Kaya maaaring kapag malaliman mong inisip ang isang tao, maaari niyang masagap ang signal na iyon, unconsciously or subconsciously. :)

    Haha. Di na kakailanganin ng FB para magparinig :))

    ReplyDelete