Ako lang
ang kayang umintindi sa lahat ng topak mo
Ang tanging nakakaalam ng dahilan sa bawat pagkilos mo.
Ako lang. Ako lang ang nakakaalam kung gaano ka katindi magmahal
at kung paano ka nila nasaasaktan.
Isang ako lang.
Isang ako lang ang makakapagpaliwanag sa lahat kung gaano kalaki ang puso mo.
At isang ako lang
ang nakakaramdam ng mga hinanakit mo.
Ako lang ang may kayang magsabing
isa kang mabuting tao.
Ako lang ang magkakaroon ng lakas ng loob na
ipagtanggol ka kung sakaling may kakalaban sayo.
Ako mismo ang haharap sa kanila.
Dahil kilala kita at alam kong mahina ang loob mo.
Ako mismo ang magtataas ng ulo mong lagi mong niyuyuko
kapag hindi ka naiintindihan ng mundo.
Ako ang magsisigaw ng lahat ng pangarap mo
para malaman nilang hindi lang kapakanan mo ang iniintindi mo.
Ako. Ang siyang nakakarinig ng mga
hiyaw mong hindi mo maisigaw
Ako rin ang siyang nakakakita ng mga galit mong
hindi mo maisambulat
at ng mga sentimyento mong
hindi mo kayang ikwento sa iba.
Ako. Ako ang nakakaalam kung gaano karaming luha
ang nasa likod ng iyong maskarang nagpipilit magpakasaya.
Alam ko kung paano ka matakot.
Alam ko kung paano ka magmahal.
Alam ko kung kailan ka nag-aalangan
at kung kailan ka talaga masaya.
Andito lang ako...
isang ako na nagmamahal sayo ng totoo.
Showing posts with label flash blog. Show all posts
Showing posts with label flash blog. Show all posts
Sunday, July 17, 2011
Wednesday, April 27, 2011
Not now please.
Im feeling sick. Headache. Chill. My throat hurts. I can't afford to be on sick leave. I have so much to do this week.
Because of that Ibong Adarna in the office... my LSS for today is "If I should love again, if I find someone new.. it would be make believe for in my heart it would be you...." Nakakairita siya!
Because of that Ibong Adarna in the office... my LSS for today is "If I should love again, if I find someone new.. it would be make believe for in my heart it would be you...." Nakakairita siya!
Tuesday, March 29, 2011
Strangers again.
I saw you today and realized how far apart we’ve grown. I know I should talk to you and ask you how you’re doing. And I really wish I could. But it’s just occurred to me that we’re strangers now. You don’t know me anymore, much less want to, and it’s okay that you’ve moved on. I know that everything’s different now. I’ve been staying strong. (from google)
Labels:
emotions,
flash blog,
friends,
me,
random thoughts
Friday, September 24, 2010
Ang traffic sa C5
Ika-23 ng Setyembre, 2010
"Dalawamput-walong taon akong nag-negosyo ng medical supplies. Mayaman ako dati, maraming pera. Kaso nag-bisyo at nagtiwala sa maling tao. Kunwari mabait, itatakbo lang pala ang pera mo. Ang bilis ubusin ng pera, ang dami kong taong natulungan noon. Maraming lumalapit sakin para mamuhunan. Nagbi-biyahe kami madalas sa mga probinsya para mag-deliver ng mga supplies. Kung naging maingat lang sana ako sa pera at naging matalino, hindi sana ganito ang buhay namin mag-asawa ngayon.
Yung narinig mong kausap ko kanina sa cellphone? Asawa ko yon, nasa nueva ecija, nagbabantay ng maliit na tindahan namin. May kailangan kaming bayaran pero wala siyang mahiraman kaya nag-aalala ako, inaatake pa naman ng kanyang rayuma. Ang hirap ng buhay talaga, pero huli na para magsisi. Milyon-milyon ang naging pera ko noon, pero tingnan mo naman ako ngayon, iilang kaibigan na lang ang natira. Yung kapatid ko sa cebu, contractor ng __, malaki ang kinita niya ng matapos ang project na yon. Siguro hanggang sa magkamatayan kami, hindi na kami magkikita non. Sobrang yaman na niya, hindi na niya ako kailangan. Tsk. Hindi kasi ako naging matalino sa pera e. Kung hindi ako nag-casino, sabong at inom-inom noon, hindi sana ako ganito ngayon. Kung kailan matanda na, saka pa walang pera. Sayang."
- Si Manong Taxi Driver, nagsisintimyento habang stress na stress ako dahil sa punyetang traffic sa c5.

Sunday, September 19, 2010
Nagkataon lang.
Minsan ba nangyari na sa iyo yung iniisip mo yung isang tao tapos bigla siyang magpaparamdam out of the blue? Ang sarap isipin na kaya nangyayari ay dahil iniisip ka rin niya. Pero hindi. Dapat hindi, you must know better. Lahat ng nangyayari ay nagkataon lang. Walang ibig sabihin at hindi mo dapat lagyan ng malisya... yan ang dapat mong isipin kung ayaw mong masaktan.
Subscribe to:
Posts (Atom)