Inspite of all the efforts, late pa rin akong dumating sa office. 7:00 ang simula ng meeting. Alas kuwatro pa lang ng hapon gising na ako. Hindi na ako kumain sa bahay (wala pa rin namang luto) at nag take out na lang ako ng food from jabi. Ang hirap pa mag abang ng taxi sa Paseo. Ironic talaga. Kahit anong effort ang gawin mo, late pa rin. Naalala ko tuloy nung morning shift pa ako na lagi ako cry baby sa byahe dahil napaka-traffic sa EDSA sa araw araw na ginawa ng Diyos.
Nakakatawa yung kapitbahay naming barbero. Nanghiram siya ng gunting sa kapatid ko (which is mine) dahil may gugupitan daw siya!
Kaninang umaga, I had breakfast with someone. Naglabas ng sama ng loob tungkol sa jowa niya. Sa sobrang kasamaan ng lover niya, nahawa ako sa galit. Kung pwede ko lang ikwento dito ng detalye, malamang lahat ng makakabasa nitong blog ko ay magagalit din don. Promise! Kaya sa tuwing makikita ko o makakasalubong ngayon dito sa opisina yung taong yon, umaakyat sa ulo ang lahat ng dugo ko at gusto kong sugurin at saktan to the max para magtino!
Had dinner in a resto near the office with team mates. Sobrang busog. Ang saya ng pagkanta ng mga crew sa dalawang birthday celebrants. Haha! Ang kulet talaga!
No comments:
Post a Comment