Thursday, May 13, 2010

A night of art

A night of art.


Isang exhibit ng baguhang photographer ang naganap kagabi. Ginanap ito sa isang function room na sadyang inayos para magmukhang luma at madilim. Ang artist na kumuha ng mga litratong ito ay nakaupo sa gitna habang tumutugtog ng lumang melodiya sa grand piano.



Lalong lumungkot ang paligid ng saliwan ito ng arkiladong orkestra. Nagmukha itong concert at museum. Talagang maganda ang mga litratong nakasabit sa paligid na may ibat-ibang laki at estilo ng frames.


Para sa isang baguhang artist, ang pageexhibit na tulad nito ay isang pagsusugal. Hindi siya sikat at hindi tiyak kung mabebenta ba ang mga litratong iyon.


Hindi naman ako mahilig sa mga exhibit lalo na sa arts. Na-curious lang ako ng marinig ko ang tunog ng piano kaya pumasok ako sa silid ng hotel na iyon na tinutuluyan ko.


Sa di malamang kadahilanan, hindi na naman ako makatulog katulad kagabi pagkagaling sa exhibit. Waring naririnig ko pa rin ang napakalungkot na musikang nagmumula sa piano. Tinititigan ko ang litratong binili ko sa exhibit na ngayon ay nakasabit na sa dingding ng kwarto. Ang litratong napili ko - isang babaeng nakatayo sa isang tulay na nakatingin sa ilog habang may namamangka. Ito ang pinili ko dahil mahilig akong mamangka.


Parang nahipnotismo ako ng musika ng grand piano. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.










No comments:

Post a Comment