Ika-23 ng Setyembre, 2010
"Dalawamput-walong taon akong nag-negosyo ng medical supplies. Mayaman ako dati, maraming pera. Kaso nag-bisyo at nagtiwala sa maling tao. Kunwari mabait, itatakbo lang pala ang pera mo. Ang bilis ubusin ng pera, ang dami kong taong natulungan noon. Maraming lumalapit sakin para mamuhunan. Nagbi-biyahe kami madalas sa mga probinsya para mag-deliver ng mga supplies. Kung naging maingat lang sana ako sa pera at naging matalino, hindi sana ganito ang buhay namin mag-asawa ngayon.
Yung narinig mong kausap ko kanina sa cellphone? Asawa ko yon, nasa nueva ecija, nagbabantay ng maliit na tindahan namin. May kailangan kaming bayaran pero wala siyang mahiraman kaya nag-aalala ako, inaatake pa naman ng kanyang rayuma. Ang hirap ng buhay talaga, pero huli na para magsisi. Milyon-milyon ang naging pera ko noon, pero tingnan mo naman ako ngayon, iilang kaibigan na lang ang natira. Yung kapatid ko sa cebu, contractor ng __, malaki ang kinita niya ng matapos ang project na yon. Siguro hanggang sa magkamatayan kami, hindi na kami magkikita non. Sobrang yaman na niya, hindi na niya ako kailangan. Tsk. Hindi kasi ako naging matalino sa pera e. Kung hindi ako nag-casino, sabong at inom-inom noon, hindi sana ako ganito ngayon. Kung kailan matanda na, saka pa walang pera. Sayang."
- Si Manong Taxi Driver, nagsisintimyento habang stress na stress ako dahil sa punyetang traffic sa c5.
Friday, September 24, 2010
Sunday, September 19, 2010
Nagkataon lang.
Minsan ba nangyari na sa iyo yung iniisip mo yung isang tao tapos bigla siyang magpaparamdam out of the blue? Ang sarap isipin na kaya nangyayari ay dahil iniisip ka rin niya. Pero hindi. Dapat hindi, you must know better. Lahat ng nangyayari ay nagkataon lang. Walang ibig sabihin at hindi mo dapat lagyan ng malisya... yan ang dapat mong isipin kung ayaw mong masaktan.
Monday, September 13, 2010
Istoker
Aaminin ko ba'ng nahulog na ako sa iyo?
Nararapat bang maging tapat
kahit alam ko naman ang isasagot mo?
Paano ba kita sinimulang suyuin ng palihim?
At naisin na kasama mo akong pinanonood
ang mahiwagang takip-silim..
Kailan nga ba ako nagtangkang
bilangin ang mga hakbang papalapit sa iyo?
at sukatin ang distansya ng ating mga puso...
Bakit malalim ang bawat paghinga
habang tinatanaw ang iyong paglakad?
Dahil nga pala -likod mo lang ang kaya kong titigan
at anino mo lang ang kaya kong hagkan...
Sasaluhin kaya ako ng iyong mga bisig
sakali mang tuluyan na akong sa iyoy umibig?
Abot kamay at abot tanaw kita
sadya nga lang mundo nati'y magkaiba.
Kulang ba ang lahat ng kaya kong ialay
para pantayan ang kanyang mga naibigay?
Siguro ay kulang nga.ng talaga.
kaya hindi na ako magtatangka pa.
Maraming akong tanong.
Alam ko rin ang lahat ng sagot.
Pero sa tuwing nakikita kita.
Natututo ang puso kong umasa.
Basta tandaan mo.
Nandito lang ako.
Matiyagang naghihintay sa'yo.
***********
Adlesirc 09.14.2010
Nararapat bang maging tapat
kahit alam ko naman ang isasagot mo?
Paano ba kita sinimulang suyuin ng palihim?
At naisin na kasama mo akong pinanonood
ang mahiwagang takip-silim..
Kailan nga ba ako nagtangkang
bilangin ang mga hakbang papalapit sa iyo?
at sukatin ang distansya ng ating mga puso...
Bakit malalim ang bawat paghinga
habang tinatanaw ang iyong paglakad?
Dahil nga pala -likod mo lang ang kaya kong titigan
at anino mo lang ang kaya kong hagkan...
Sasaluhin kaya ako ng iyong mga bisig
sakali mang tuluyan na akong sa iyoy umibig?
Abot kamay at abot tanaw kita
sadya nga lang mundo nati'y magkaiba.
Kulang ba ang lahat ng kaya kong ialay
para pantayan ang kanyang mga naibigay?
Siguro ay kulang nga.ng talaga.
kaya hindi na ako magtatangka pa.
Maraming akong tanong.
Alam ko rin ang lahat ng sagot.
Pero sa tuwing nakikita kita.
Natututo ang puso kong umasa.
Basta tandaan mo.
Nandito lang ako.
Matiyagang naghihintay sa'yo.
***********
Adlesirc 09.14.2010
Sakaling hindi tayo magtagpo sa ating mga panaginip - Noel Sales Barcelona
Sakali mang hindi tayo magkatagpo
Sa ating mga panagimpan
Ay huwag malumbay ang iyong puso
Sapagkat pagdating ay nabalam lamang.
Huwag isiping ikaw'y nalimutan
Dahil hindi nakasipot sa ating tagpuan
Maaaring hindi pa kapanahunan
ng ating muling pagtitipanan.
At sakaling mapalitan, panaginip na matamis
ng isang bangungot na nakahihindik --
Sa iyong paggising ay huwag gumibik
Sapagkat mapapawi rin ng himalang halik.
Kaya nga sakaling hindi ako dumating
Sa panahong ang bituin ay mapanaginipin
Huwag malulumbay, huwag maninimdim
Sapagkat ang pagtatagpo'y sa puso natin...
Isang kaibigan at tinitingalang tao ang gumawa ng tula bilang sagot sa tulang ginawa ko "at dahil mahal kita". Karangalan ko talaga ang magkaroon ng mga makatang kaibigan at masaya akong kabilang pare-pareho kami ng passion. :) Salamat kay kuya/sir Noel Sales Barcelona para sa tulang ito. Alam ko impromptu nya lang ito ginawa. Ganun kabihasa at makata!
Sa ating mga panagimpan
Ay huwag malumbay ang iyong puso
Sapagkat pagdating ay nabalam lamang.
Huwag isiping ikaw'y nalimutan
Dahil hindi nakasipot sa ating tagpuan
Maaaring hindi pa kapanahunan
ng ating muling pagtitipanan.
At sakaling mapalitan, panaginip na matamis
ng isang bangungot na nakahihindik --
Sa iyong paggising ay huwag gumibik
Sapagkat mapapawi rin ng himalang halik.
Kaya nga sakaling hindi ako dumating
Sa panahong ang bituin ay mapanaginipin
Huwag malulumbay, huwag maninimdim
Sapagkat ang pagtatagpo'y sa puso natin...
Isang kaibigan at tinitingalang tao ang gumawa ng tula bilang sagot sa tulang ginawa ko "at dahil mahal kita". Karangalan ko talaga ang magkaroon ng mga makatang kaibigan at masaya akong kabilang pare-pareho kami ng passion. :) Salamat kay kuya/sir Noel Sales Barcelona para sa tulang ito. Alam ko impromptu nya lang ito ginawa. Ganun kabihasa at makata!
Sunday, September 5, 2010
At dahil mahal kita/Dahil sa iyong pag ibig
Isang umaga, habang lulan ako ng bus pauwi ng Rizal galing opisina, naisip ko ang linyang "hahanapin kita sa aking panaginip". Malungkot ang paligid ng araw na iyon (Sept 3), maulan at napakalamig sa loob ng bus. Pag uwi ko ng bahay ay nagsulat ako. Ito ang kinalabasan:
AT DAHIL MAHAL KITA
Hihintayin kita sa aking panaginip
Mahihimbing akong sa iyo'y nananabik
Pipikit akong ikaw pa rin ang nasa isip
Hahanapin kita sa aking panaginip
Mahihimbing akong sa iyo'y nananabik
Pipikit akong ikaw pa rin ang nasa isip
Hahanapin kita sa aking panaginip
Kapag ikaw ay kapiling na
Walang sandaling sasayangin sinta
Bubuhayin natin ang mga mga ala-ala
At kung maari sanay hindi na magising pa
Walang sandaling sasayangin sinta
Bubuhayin natin ang mga mga ala-ala
At kung maari sanay hindi na magising pa
Sabay nating tatawirin ang bahaghari
Aakyatin mga ulap hanggang kumulimlim
Hawak-kamay na bibilangin ang mga bituin
Susungkitin natin ang buwan sa gabing taimtim
Aakyatin mga ulap hanggang kumulimlim
Hawak-kamay na bibilangin ang mga bituin
Susungkitin natin ang buwan sa gabing taimtim
Babalik rin tayo sa ating tagpuan
Kung sa'n nagsimula ating pag-iibigan
Iuukit kong muli ang iyong pangalan
Sa puno na madalas nating sinasandalan
Kung sa'n nagsimula ating pag-iibigan
Iuukit kong muli ang iyong pangalan
Sa puno na madalas nating sinasandalan
Kapag wala na tayong maisip gawin
Dadalhin naman kita sa ating hardin
Uupo ako sa tabi mo at sa langit ay titingin
Muling idadalangin na ako sana'y kunin Niya na rin.
Dadalhin naman kita sa ating hardin
Uupo ako sa tabi mo at sa langit ay titingin
Muling idadalangin na ako sana'y kunin Niya na rin.
Isang kaibigan ang sumagot sa tulang ito, yun nga lang, mas maganda pa ang gawa niya kesa sakin, napaka-makata talaga niya.
Dahil sa iyong pag-ibig by Sinta Isaac
Irog, ngayong gabi ikaw sana'y humimbing
sa iyong panaginip ako'y iyong hanapin,
alam kong ika'y nananabik sa aking pagdating
sa loob ng iyong puso ako sana'y hintayin.
At sa sandaling tayong dalawa'y magkapiling
bagamat ito'y panaginip, iyo sanang damhin
ang nilumot na alaala ating muling buhayin
ngunit sa huli'y kailangan mo pa ding gumising.
Itatawid kita sa tulay ng mga ulap
patungo sa bahagharing ating pinapangarap
pilit nating papangalanan ang bawat bituin
at pagmamasdan kita sa ilalim ng buwan at dilim.
Ibabalik kita sa init ng aking mga bisig,
ang bisig kong kinakapitan mo ng mahigpit
Muli mong iuukit ang pag-ibig sa aking katawan,
dito sa loob ng ating mga puso ang ating tagpuan.
At sa sandali nang ating pananahimik,
ipakita mo sa akin ang mga rosas nang pag-ibig,
humimlay ka sa aking tabi at ang mata'y ipikit,
sa ganoong paraan lamang tayo maaaring magtalik...
dito sa sarili nating langit.
Salamat ulit Sinta, hindi ko makakalimutan ang tulang ito :)
Saturday, September 4, 2010
Siya
Naaalala mo pa ba
Nung araw na binaybay natin
ang kahabaan ng Ayala?
Habang kinukwento mo sya
Iniintindi naman kita.
Tumutulo ang luha mo
Nagdurugo ang puso ko.
Naalala mo rin ba?
Habang tinititigan kita
Mahimbing ang iyong pagtulog
Nang ang cellphone mo
ay biglang tumunog?
Sinagot ko ang tawag niya
Kahit alam kong magagalit ka.
Naalala mo ba
Nung oras na pinapili kita?
Hindi ko naman gusto
na isuko ka
Ang akin lang naman,
Mas importante
Kung kanino ka
magiging maligaya.
Natatandaan ko
maliwanag pa sa sikat ng
galit na galit na araw
Ako
Ako ang pinili mo.
Pero bakit ngayon
siya pa rin ang iniiyak
at laging bukang bibig mo?
Marahil
namali ka ng sagot.
Marahil siya naman talaga
Naawa ka lang sakin.
(Gusto ko pa dugtungan, wala lang akong maidugtong)
Nung araw na binaybay natin
ang kahabaan ng Ayala?
Habang kinukwento mo sya
Iniintindi naman kita.
Tumutulo ang luha mo
Nagdurugo ang puso ko.
Naalala mo rin ba?
Habang tinititigan kita
Mahimbing ang iyong pagtulog
Nang ang cellphone mo
ay biglang tumunog?
Sinagot ko ang tawag niya
Kahit alam kong magagalit ka.
Naalala mo ba
Nung oras na pinapili kita?
Hindi ko naman gusto
na isuko ka
Ang akin lang naman,
Mas importante
Kung kanino ka
magiging maligaya.
Natatandaan ko
maliwanag pa sa sikat ng
galit na galit na araw
Ako
Ako ang pinili mo.
Pero bakit ngayon
siya pa rin ang iniiyak
at laging bukang bibig mo?
Marahil
namali ka ng sagot.
Marahil siya naman talaga
Naawa ka lang sakin.
(Gusto ko pa dugtungan, wala lang akong maidugtong)
Wednesday, September 1, 2010
Wag mong babasagin ang mga trip ko sa buhay.
Ayoko sa lahat yung pinapaki alaman kung ano man ang trip ko sa buhay. May pagka autistic kasi ako, kung ano yung boring - yun ang gusto ko. Katulad ng pagsusulat at pagbabasa, yung ang dalawang halimbawa ng mga paborito kong gawain. Kulang lang talaga ako sa oras.
Siguro kung marami akong oras, napakarami ko nang naisulat at siguro kung nagkaroon pa ako ng mas maraming oras, nakapag aral na ako ng tungkol sa pagsusulat or kahit self study lang para lumawak ang vocabulary ko both in tagalog and english.
Ayoko ng taong magpapanggap na interesado sa ginagawa ko pero hindi naman pala talaga. Ayokong-ayoko ng nagpe-pretend na nagugustuhan nya ang mga gusto ko din. Di bale nang mag isa lang ako, basta wag na wag kang magco-comment sa kung anong ginagawa ko.
Pagdating naman sayo, wala akong pakialam kung mas trip mong manood ng cartoons or matulog or makipagdaldalan, kiber ako dyan. Magpakasaya ka. Basta't wala tayong pakialamanan.
Kung wala kang sasabihing matino, tikom mo na lang yang bibig mo. Madafaka.
Siguro kung marami akong oras, napakarami ko nang naisulat at siguro kung nagkaroon pa ako ng mas maraming oras, nakapag aral na ako ng tungkol sa pagsusulat or kahit self study lang para lumawak ang vocabulary ko both in tagalog and english.
Ayoko ng taong magpapanggap na interesado sa ginagawa ko pero hindi naman pala talaga. Ayokong-ayoko ng nagpe-pretend na nagugustuhan nya ang mga gusto ko din. Di bale nang mag isa lang ako, basta wag na wag kang magco-comment sa kung anong ginagawa ko.
Pagdating naman sayo, wala akong pakialam kung mas trip mong manood ng cartoons or matulog or makipagdaldalan, kiber ako dyan. Magpakasaya ka. Basta't wala tayong pakialamanan.
Kung wala kang sasabihing matino, tikom mo na lang yang bibig mo. Madafaka.
Subscribe to:
Posts (Atom)