Sa kagustuhan niyang makapunta ng sayawan sa bayan, binalewala niya ang banta ng kanyang lola na uulan ng malakas ng gabing iyon. Kahit umaambon at malakas na ang ihip ng hangin ay tumuloy siya sa kanyang lakad. Sigurado siyang tutuloy din naman ang kanyang mga kaibigan kaya't hindi siya nagpapigil sa nagbabantang malakas na ulan.
Halukipkip ang balabal at payong, matiyaga niyang nilakad ang madilim na daanan sa kanilang baryo upang makapunta sa antayan ng jeep papuntang bayan. Ingat na ingat siyang malukot ang kanyang bestida o kayay masira ang lumang luma na niyang sandalyas. Ang buhok nyang mahaba na ngayon ay nakakulot dahil sa maghapon niyang pagsosoot ng rollers. Nakalipstick din siya at pulbos.
Imelda Magtanggol. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung anong rason ng kanyang ina para pangalanan siyang Imelda. Hindi niya kilala ang kanyang ama, lumaki siya sa poder ng kanyang lola. Ang ina niya ay namatay sa araw ng kanyang debut. Kung tutuusin, langit at lupa ang pagitan nila ng kanyang tokayo - Si Madam Imelda Marcos. Lahat ng bagay na mayron si Madam Imelda ay wala sa kanya. Yaman, ganda, kapangyarihan, edukasyon -lahat wala sa kanya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng sayawan sa bayan nila. Maganda raw kasi ang ekonomiya nila sabi ng kanilang gobernador. Ang sayawan daw na ito ay isang pagdiriwang at pasasalamat sa mayamang anihan, magandang klima at tahimik na bayan.
Ito ang kauna-unahang makakasayaw siya kayat naman ilang linggo niya itong pinanabikan. Talaga namang kinukulang siya ng tulog sa gabi kakapangarap kung sino ang lalaking una niyang makakasayaw sa buong buhay niya. Ang bistida niya ay sariling tahi nya lang gamit ang lumang makina ng kanyang lola. Ang sapatos niya ay ang sapatos na binili sa kanya ng kanyang ina noong ikalabing walong kaarawan niya bilang regalo.
May halong nerbyos rin ang kanyang nararamdaman. Paano kung magbutas lang siya ng bangko gaya ng pagbibiro sa kanya nila Jen? Sa kanilang apat na magbabarkada, siya na lang ang hindi nagkakanobyo. Masyado raw kasi siyang makaluma at pakipot. Dapat daw sabi ni Gina, ay pumayag siyang magpaligaw kay Mike para manlang maranasan niya kung paano ligawan at paano suyuin.
Friday, May 14, 2010
Thursday, May 13, 2010
A night of art
A night of art.
Isang exhibit ng baguhang photographer ang naganap kagabi. Ginanap ito sa isang function room na sadyang inayos para magmukhang luma at madilim. Ang artist na kumuha ng mga litratong ito ay nakaupo sa gitna habang tumutugtog ng lumang melodiya sa grand piano.
Lalong lumungkot ang paligid ng saliwan ito ng arkiladong orkestra. Nagmukha itong concert at museum. Talagang maganda ang mga litratong nakasabit sa paligid na may ibat-ibang laki at estilo ng frames.
Para sa isang baguhang artist, ang pageexhibit na tulad nito ay isang pagsusugal. Hindi siya sikat at hindi tiyak kung mabebenta ba ang mga litratong iyon.
Hindi naman ako mahilig sa mga exhibit lalo na sa arts. Na-curious lang ako ng marinig ko ang tunog ng piano kaya pumasok ako sa silid ng hotel na iyon na tinutuluyan ko.
Sa di malamang kadahilanan, hindi na naman ako makatulog katulad kagabi pagkagaling sa exhibit. Waring naririnig ko pa rin ang napakalungkot na musikang nagmumula sa piano. Tinititigan ko ang litratong binili ko sa exhibit na ngayon ay nakasabit na sa dingding ng kwarto. Ang litratong napili ko - isang babaeng nakatayo sa isang tulay na nakatingin sa ilog habang may namamangka. Ito ang pinili ko dahil mahilig akong mamangka.
Parang nahipnotismo ako ng musika ng grand piano. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.

Thursday, May 6, 2010
kwikapdeyts
Inspite of all the efforts, late pa rin akong dumating sa office. 7:00 ang simula ng meeting. Alas kuwatro pa lang ng hapon gising na ako. Hindi na ako kumain sa bahay (wala pa rin namang luto) at nag take out na lang ako ng food from jabi. Ang hirap pa mag abang ng taxi sa Paseo. Ironic talaga. Kahit anong effort ang gawin mo, late pa rin. Naalala ko tuloy nung morning shift pa ako na lagi ako cry baby sa byahe dahil napaka-traffic sa EDSA sa araw araw na ginawa ng Diyos.
Nakakatawa yung kapitbahay naming barbero. Nanghiram siya ng gunting sa kapatid ko (which is mine) dahil may gugupitan daw siya!
Kaninang umaga, I had breakfast with someone. Naglabas ng sama ng loob tungkol sa jowa niya. Sa sobrang kasamaan ng lover niya, nahawa ako sa galit. Kung pwede ko lang ikwento dito ng detalye, malamang lahat ng makakabasa nitong blog ko ay magagalit din don. Promise! Kaya sa tuwing makikita ko o makakasalubong ngayon dito sa opisina yung taong yon, umaakyat sa ulo ang lahat ng dugo ko at gusto kong sugurin at saktan to the max para magtino!
Had dinner in a resto near the office with team mates. Sobrang busog. Ang saya ng pagkanta ng mga crew sa dalawang birthday celebrants. Haha! Ang kulet talaga!

Subscribe to:
Posts (Atom)