Friday, February 11, 2011

Walang dahilan para ngumiti this week.



Gusto kong isigaw sa mukha nya "ANO BANG GINAWA KO SAYO PARA IWASAN MO AKO?!" hindi naman ako demanding na kaibigan. Ni hindi ko nga hiniling sa kanyang kamustahin din ako sa tuwing kinakamusta ko sya. Ganun naman siya, pag tinanong mo ng 'kamusta?' sasagot lang siya ng 'ok lang'. Ni hindi manlang magtatanong ng 'e ikaw, kamusta?' kahit manlang pabalat-bunga.

Ni hindi ko naman siya kinukulit sa text. Hindi rin ako nagla-like o nagco-comment sa posts nya sa FB! 

Ni hindi ako nagpakita na nasaktan ako nung sabihin niyang iba-iba ang level ng mga friends nya at isa lang akong acquaintance. Tang ina, acquaintance? Nagbubuhos ka ba ng sama ng loob sa isang acquaintance?
Kahit manhid sya, kahit hindi gentleman, kahit kuripot, suplado, masungit, moody, perfectionist, etc... sige pa rin ako sa pakikipagkaibigan sa kanya because I felt somehow, nag eenjoy rin naman siyang kasama ako. Nasanay akong lagi siyang nakakausap at nakakakwentuhan while eating. Tapos isang araw pag gising ko, nagbago na siya. hindi niya na ako kinakausap na parang hindi niya kakilala! as in! Daig ko pa isang stranger. Para akong invisible na hindi niya nakikita. Ang sakit kaya non!

Sa sobrang sama ng loob ko, hindi ko na tinapos basahin yung book na hiniram ko sa kanya.

Nalulungkot tuloy ako ngayon at OO, NAMI MISS KO NA SIYA! SOBRA. Niyaya ko siya last week na manood ng movie or gumala this weekend, sabi niya titingnan niya. Ayoko nang ulitin itanong kung free ba siya kasi alam kong di na nya sasagutin ang text ko. Nagmumukha na akong tanga.

Tinanong ko din na siya kung galit siya, sabi niya hindi daw. Pero bakit bigla siyang nagbago?! bakit? bakit?? bakit??? Kung dati kasing cold lang siya ng Baguio ngayon Alaska na.

Sana manlang nalaman ko kung ano bang maling ginawa ko para hindi ako puzzled diba?

Kailangan ko sana siya ngayon, gusto ko ng mapapaglabasan ng sama ng loob sa mundo, makakasama kumain at makakasabay sa pagtawa habang nanonood ng movie.

Hay, kung anuman ang ginagawa niya sa mga oras na 'to. Sana happy siya.

No comments:

Post a Comment