Sa Susunod Kong Buhay
(Inspired by Woody Allen)
Sa susunod kong buhay
Gusto kong mabuhay ng pabaliktad
Magsisimula ako sa pagbangon mula sa hukay...
Gigising ako sa araw-araw na nakatira
sa tahanan ng mga matatanda
Na naghihintay ng pensyon
habang unti-unting umaayos ang pakiramdam
tumitigas ang buto't bumubuti ang pangangatawan
Hanggang sa palalayasin na ako
sa sarili kong bahay
dahil lubusan na akong malakas...
Magsisimula na akong magtrabaho
Bibili ng gintong relo at magsasaya sa unang sweldo.
Magtatrabaho ako ng apat-na-pung taon
hanggang dumating ang panahon aking kabataan
kung kailan ako'y magre-retiro na
at magtatamasa ng aking pinagpaguran
Iinom, mamamasyal at makikipagsaya
lahat ng pwede ay aking susubukin
kapag ang edad ko'y mas nabawasan na
high school naman ang aking papasukin
Pagkatapos akoy mag-e elementarya
Magiging bata at sa wakas ay maglalaro na
Walang nang obligasyon
Walang nang responsibilidad
Hanggang akoy magiging sanggol na walang muwang
Paglaon ako'y mananatili sa sinapupunan
Sa loob ng siyam na buwan
--Kung saan may libre akong spa
at komportableng mahihigaan
na unti-unting luluwang sa paglipas ng mga buwan.
Hindi ba't masaya
ang mabuhay ng pabaliktad
lalo na't ang pinaka huling yugto ng buhay ko
ay udyok ng pagmamahalan?